Ano ang KUTONG?
Ang KUTONG tinuturing ko ay isang tao sa Money Changer na nangungupit, nagnanakaw sa harapan ng kanyang customer mismo ng pera kapag nagpapalit sa kanila.
Sa harapan ng customer nagnanakaw ng pera? paano?
Oo, sa harap mismo ng kanilang customer.
Ganito yan, ganito sila magnakaw.
* Pag nagpapalit ka ng pera mo sa kanila Dolyar to Peso, syempre magtanong ka ng rate ng dollar to peso, sasabihin yan nila ang rate, usually MATAAS ang rate nila para maingganyo ka magpapalit sa kanila, sabi mo WOW! mataas dito, sige dito na tayo magpapalit.
So magpapalita kana, sabi mo magpapalit ako, sabi naman ng taga bantay sa money changer ILAN? ok kaya MAGKANO BOSING? sabi mo naman 2,000 dollar at ibigay mo na. Halimbawa lang to.
Tapos e kokompyot na niya kung magkano sa Peso ang 2,000 dollar at ibibigay sayo ang resibo, tapos ibibigay na sayo ang kapalit ng dollar mo, sabi nya eto na bosing bilangin nyo po ng maayos. Tapos kukunin mo na at bibilangin, OK TAMA, talagang tama ang ibibigay sayo.
Pagkatapos mo bilingin, hihingiin nya ulit ang pera mo, na bibilangin daw ulit para make sure tama ang bilang. Pag hindi mo alam ang kalokuhan nila, ibibigay mo kasi bilangin para sigurado. Nasa loob siya ng tindahan niya ikaw sa labas, may pagitan kayo ng BAKAL, hindi mo nakikita hinuholog nya ang ibang pera pa baba, dahil sa bilis ng kamay nila at sanay sa pagnanakaw hindi mo makita, tapos ibigay na ulit sayo ang pera akala mo tama na din kasi pinapakita sayo ang pag bilang niya ang hindi mo alam may hinuhulog habang nagbibilang, ok kukunin mo na ang pera at lagay agad sa bag, sabay sabi mo SALAMAT, sabi naman nila SALAMAT DIN...so uuwi kana.
Pag dating mo sa bahay at pagbilang mo ng pera kulang na, kahit bumalik ka sa kanila wala kanang laban, eh sabi nila binilang mo nga tama at binilang ko pa ulit sayo tama at tsaka sabi nila umuwi kana. So? Wala na, TY na. Ganun ang KUTONG, SUGAROL, MAGNANAKAW SA MONEY CHANGER.
Sana may natutunan kayo dito.
Reminder:
Pag nasa inyo na ang pera kapalit ng dolyar nyo (PESO) at tapos na binilang niyo tama naman, WAGNA ibigay ulit sa money changer kung hihingin nya ulit na bibilangin DAW. Hindi yun totoo, doon siya magnanakaw sa pangalawang bilang nya.
Marami kalukuhan sa atin sa Pilipinas, kaya dapat tayo lagi mag ingat sa ano man oras.
Maraming salamat po! Mabuhay ang Pilipino!